Thursday, June 16, 2011

Inggit.

Emote muna.


Nakakainggit ka. OO ikaw. Kasi kahit na may pagkakataong sumusuko kana sa kanya, Pinipilit pa rin niyang maging maayos kayo. Ginagawa niya talaga yung best niya at nag-eeffort talaga siya sayo wag ka lang mawala sa kanya. Hindi siya agad sumusuko sayo kahit na pinagtatabuyan mo siya minsan. Hindi niya pinaparamdam sayo na hindi ka niya mahal. Alam mo yun, Masyado ka niyang mahal at naiinggit ako sayo. Kapag nag-uusap kami at natatanong ko siya sa mga bagay bagay.. IKAW talaga. Yung parang wala na siyang ibang nakikitang babae sa paligid niya. Pinapalayo mo siya sa mga babae kahit na kaibigan niya lang yun. tapos siya naman susundin ka at hindi pa magagalit sayo. Hinahatid ka pa niya para lang maging SAFE ka sa pag-uwi. Kapag nag-aaway kayo, Hindi niya hinihintay na magtagal yun dahil di niya kaya. Gumagawa agad siya ng paraan at hindi niya hahayaang magtagal yun. Ganun ka niya kamahal at naiingit ako dun. Hindi mo ba naisip na mahal na mahal ka niya talaga?

Sana ganun na lang din.. Sana.. Sana lang.. :((

No comments:

Post a Comment